Tuesday, November 15, 2011

Katipan


Dahan-dahan, 
Ibinigkis dalawang duluhan ng aking mga pangarap 
Di pa man tapos, samu’t sari na ang nadarama 
Pikit-mata, 
Inilatag buo kong pagkatao sa iyong kandungan 
Mga ngiti’t kunot-noo, animo’y naghahatakan 
Pigil-hininga, 
Iminulat aking mga mata para lamang maluha 
Sa labis na galak at bahagyang pagtataka 
Bilog ay nabuo, soulmate daw kita 
Alam ko katangahan, pero hayaan mo na-
E ako, soulmate mo rin kaya?



Photo credit

No comments:

Post a Comment